November 2, 2024

COVID-19 VACCINE, KARAPATAN NG MASANG MAMILI KUNG ANONG BAKUNA ANG ITUTUROK SA KANILA

Heto na ang bakuna na ating hinihintay upang pang-depensa sa COVID-19 virus. May ilan na nagpabakuna na. Ayon sa datus ng DOH, nasa 108,000 shots kada araw na ang itinuturok na vaccines.

Tungkol sa vaccine, may bumangong suliranin nang sabihin ng ahensiya na huwag ipaalam ang brand ng bakuna.

Kasi, namimili ang taumbayan kung anong vaccine ang ituturok sa kanila. May senaryo kasing ayaw ng iba sa ibang brand kagaya ng Sinovac at Sinopharm.

Ang dalawang nabanggit na vaccine ay gawa mula sa China.

Ang gusto ng iba ay Pfizer, AstraZeneca, Moderna at Sputnik V. Gusto ng ating mga kababayan na maging ligtas ang kanilang pagbabakuna.

Yung nakasisiguro sila sa bisa nito. Kaya, karapatan nila na malaman kung ano ang ituturok na vaccine sa kanila.

Hindi dapat ito itinatago o pinipigil. Hayaan silang magpasya kung anong gusot nila. Sa gayun ay walang kompromiso anuman ang mangyari. Gayunman, kailangang maging mapagmalasakit pa rin ang DOH at ilang LGUs.

Ang maganda rito, nag-iba ang ihip ng hangin ng ilan sa ating mga kababayan. na ang dating ayaw magpabakuna o duda sa bisa nito ay nagtiwala na.

Kaya nga, ang haba ng pila sa vaccine centers sa ilang kalunsuran. Gayunman, hindi lahat ay nabakunahan. it’y dahil sa nagkukulang ang suplay sa pinipiling brand na ipambabakuna.

Kulang ang iba at labis naman sa ibang brand. Gayunman, matuto rin sanang tumanggap ang ilan sa ating mga kababayan ng ibang bakuna na ayaw nila.

Yan ay kung wala na talagang suplay ng gusto nilang vaccine. Pero, kung may paparating naman, pwedeng maghintay.