May 3, 2024

CONVERGE, MAGPAPARAMDAM, TRADE IKAKASA PARA MAKUHA ANG KAPAMPANGAN PLAYERS

Magpaparamdam sa darating na PBA 47th season ang Converge, na bagong saltang team sa liga. Gayunman, may sitsit na magkakasa ng trade ang nasabing team sa ibang koponan. Sa gayun ay makamada nila ang gustong piyesa o players sa kanilang team.

Nilinaw din ng Converge na hindi sila farm team o konektado o sister team ng ibang koponan sa PBA. Isa pa, ayon sa source na malapit kay team Governor Delta Pineda, gusto nitong makuha ang Kapampangan players upang isabak sa FiberXers.

Kabilang sa mga ito sina Calvin Abueva ng Magnolia at si Ian Sangalang, Arwind Santos ng NortPort Batang Pier.

Sa gayun ay makamada sa Converge ang mga dating talents ng nasabing governor. Kapag nagkataon, talagang masasalang sa trade ang mga ito kapag ginusto ng Converge na kunin sila. Ang tanong, sinu-sino naman kaya ang gusto nilang kapalit? Yan ang aabangan natin sa mga susunod na kabanata.