December 26, 2024

Construction worker arestado sa buy-bust operation sa Makati City

An addict below the Pul-e Sukhta bridge in Western Kabul reveals his instruments for smoking opium resin and heroin. At least 1.5 million Afghans are addicted to drugs, a figure which has risen but 60% since 2006. A recent UNODC reports blames the drug addiction problem on three things: decades of war-related trauma, unlimited availability of cheap narcotics, and limited access to treatment.

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang drug buy-bust operation ng Makati City Police Station sa F.Nazario St., Brgy. Singkamas, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Manuel Guadamor, 50, isang construction worker at residente ng  4843 Solchuaga st. Brgy. Singkamas, Makati City.

Sa report ng Southern Police District, pinangunahan ni P/Lt Sherwin Limbuan (OIC ng station drug enforcement unit (SDEU) ang naturang operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Narekober mula dito ang apat na plastic sachet ng naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.8 grams na may street value na aabot sa P19,040. Nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang naturang suspek na naka-detain na ngayon sa Makati Police Station. (RUDY MABANAG)