Timbog ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng higit sa P.3 milyon halaga ng high grade marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong mga suspek na si Mark Lester Corpuz, 32 ng Banaba St. Pangarap Village, Caloocan at Norman Keith Frago, 28 ng Batangas city.
Ayon kay BGen. Cruz, dakong 6 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. sa Parking Lot ng Victory Mall sa Brgy. 72, ng lungsod.
Nagawang makapagtransaksiyon ng isang undercover pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P30,000 halaga ng high grade marijuana (Kush).
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng high grade marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba. Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 180 gramo ng high grade marijuana (Kush) na tinatayang nasa P360,000.00 ang halaga, marked money, digital weighing scale, 2 cellphones, at isang kulay titanium gray na Honda City (MMA 69).
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?