May 5, 2024

CONGRESSMAN EGAY ERICE NAMAHAGI NG TULONG SA BRGY 163 SA CALOOCAN

BILANG bahagi ng patuloy na pagbibigay ng tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic ay personal na binisita ni Congressman Egay Erice ang Barangay 163 sa Caloocan.

Kasama ni Congressman Erice na namahagi ng humanitarian assistance sina Konsehal PJ Malonzo, Konsi Alou Nubla, Kap Nick Repollo, Kap Neng Biagtas, Kap Cenon Mayor, Kap Inar Trinidad, at Kaye Nubla.

Kasama rin sa namahagi ng tulong  ang mga KASANGGA at mga kagawad ng Kalookan (KNK).

Idiniin ni Erice ang kahalagahan ng pamamahagi ng tulong lalo pa’t marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho o hanapbuhay dahil sa pandemya. Nagpapasalamat naman ang mga taga-Barangay 163 sa naturang kongresista dahil anila sa maliit na paraan ay nagawang ipadama ni Erice ang pagmamahal sa kanila.