May 18, 2024

CONGRESSMAN EGAY ERICE NAMAHAGI NG FOOD PACKS SA MGA RESIDENTE NG CALOOCAN

TINIYAK ni Congressman Egay Erice ang pamamahagi ng food packs sa mga residente ng Caloocan kasabay ng pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Kasamang namahagi ng naturang kongresista ng humanitarian assistance sa Barangay 117 sa naturang siyudad si Konsehal PJ Malonzo at iba pang ‘Team Bughaw’.

Ayon kay Erice, magpapatuloy ang distribusyon ng humanitarian assistance kahit pa matapos na ang umiiral na ECQ.

Ang family food pack ay sasapat para sa pamilyang may limang miyembro. Isa ito sa mga inisyatibo ni Erice upang hindi na lumabas pa ng bahay ang mga residente.