ISANG mainit na pagbati at pagpupugay sa aming butihing Chairman ng Barangay San Andres, Cainta Rizal na si Engr. Benson Conde sa kanyang pagkakapili bilang finalist sa 2025 Excellent Filipino Awards para sa Outstanding Barangay of the Year. Kampay!
Hindi na kataka-taka ‘yan dahil si Kap. Conde ay isang lider na may bisyon, malasakit at integiridad. At siya ay patunay na ang mahusay na pamumuno ay bunga ng tunay na serbisyo at dedikasyon sa kapwa.
Bilang isang inhinyero, ginamit niya ang kanyang talino upang mapaunlad ang aming barangay, matiyak ang kaligtasan at mapubuti ang kabuhayan ng kanyang mga nasasakupan.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang Barangay San Andres ay naging huwaran ng maayos na pamahalaan, disiplina at pagkakaisa.
Lumago ang aming komunidad dahil kay Kap. Conde na isang lider na marunong making at kumilos para sa lahat.

Saksing buhay tayo sa mabilis na aksyon ng aming kapitan dahil minsan na rin tayong humingi ng tulong sa kanya para sa mga hinaing ng aming mga tsismosang kapitbahay at hindi naman tayo nabigo.
Mantakin ninyo isang chat lang ng inyong lingkod kay Kap agad niyang napalagyan ng solar light ang aming street at pinalinis ang mga baradong kanal na matagal ng iniinda ng aking mga tsismosang kapitbahay. Araguy!
Ibinalik niya rin ang sigla ng kapistahan dito sa amin sa Sitio Felix. Kaya nga sobrang happy ng aking mga tropapits sa ilalim ng pamumuno ni Kap. Benson sapagkat mayroon na kaming lider na tunay na maaasahan.
Mabuhay ka, Hon. Engr. Benson Conde! Baka naman. He he he…
Binabati na rin natin ang kanyang butihing misis na si Rizal 1st District Board Member Kay Ilagan-Conde na isang mabuting huwaran ng mga kababaihan. Gayundin ang pagkakatalaga kay bagong PCO Undersecretary Mon Ilagan. Congrats po!
Ang inyong tagumpay ay tagumpay naming mga taga-Barangay San Andres at ng bawat Pilipinong naniniwala sa serbisyong may puso at husay.
