NAGLABAS ng kanyang pahayag si Navotas Representative Toby Tiangco na fake news at hindi totoo ang kumakalat na kanya umanong komento tungkol kay Orly Guteza.
“Fake news po at hindi totoo ang kumakalat sa social media na mga komento ko daw tungkol kay Orly Guteza”, ayon kay Cong. Tiangco.
“I have not made any comments and will not make any comments, whether positive or negative, with regards to Orly Guteza dahil hindi ko siya kilala,” dagdag niya.
Nagpaalala din ang Kongresista sa lahat na maging mapanuri sa mga pinagkukunan natin ng mga balita. (JUVY LUCERO)
