ANTIPOLO CITY — Isang robbery–hold-up ang naganap sa Lime Craft Coffee sa Sitio Macopa, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City dakong 11:13 PM noong Nobyembre 20, 2025, ayon sa ulat ng Antipolo City Police Station (CCPS). Nai-report ito sa pulisya bandang 2:30 AM ng Nobyembre 21 matapos tumawag ng tulong ang isang barangay tanod.
Agad na rumesponde ang Mobile Unit #2336 matapos matanggap ang impormasyon.
Sa initial na imbestigasyon, tatlong hindi pa nakikilalang lalaki ang bumaba mula sa kanilang mga motorsiklo at pumasok sa coffee shop na nakasuot ng helmets, facemasks, at motorcycle bonnets.
Idineklara nila ang hold-up sabay sigaw ng:
“IBIGAY ANG MGA GAMIT AT WALANG TATAWAG NG PULIS!”
kasabay ng pagtutok ng baril sa mga biktima.
Tinangay nila ang mga personal na gamit at pera, bago tumakas patungong Masinag sakay ng tatlong nakahintay na motorsiklo na minamaneho ng kanilang mga kasabwat. Sa kabuuan, anim ang sangkot na suspek, pawang mga lalaking hindi pa natutukoy.
Nakilala ang mga biktima na sina Chen Mamuyac, 19, barista; Baby Jane Saldo, 27, barista; Joy Santos, 38, financial advisor; Christian Santos, 39, teacher; Joffrey Hibaler, 34, businessman; at Rionor Kate Rullan, 32, jobless
Lahat sila ay residente ng iba’t ibang barangay sa Antipolo City.
Kabilang sa mga tinangay ng suspek ang isang iPhone XR (P10,000); dalawang Infinix Hot 30i (P10,000); Huawei tablet (P15,000); HP laptop (P17,000); iPhone 14 Plus (P70,000); Motorola Edge 2021 (P25,000) Cash sales ng coffee shop (P20,000) at iba’t ibang ID ng mga biktima
Ayon sa pulisya, nagpapatuloy ang follow-up investigation para matukoy ang pagkakakilanlan at mahuli ang mga suspek, pati na ang pag-recover ng mga ninakaw na gamit.
Inilunsad na rin ang OPLAN COBWEB/SITA upang alertuhin ang lahat ng patrollers at bantayan ang
mga posibleng ruta ng pagtakas ng mga salarin. Patuloy na pinaaalalahanan ng Antipolo PNP ang publiko na maging maingat at agad mag-report ng kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar
