April 28, 2024

Clippers, inipit ang Mavericks; Bucks, sinuwag ang Miami Heat

Nanguna si Kawhi Leonard sa Los Angeles Clippers sa pag-ipit sa Dallas Mavericks, 126-111. Gumawa ng 29 points si ‘The Claw’ at nag-ambag naman si Paul George ng 24.

Nag-ambag naman ng 21 points si Ivica Zubac mula sa 100 percent fieldgoal percentage sa 10-out-of 10 shooting. Humablot din ito ng 15 boards.

Sa panig naman ng Mavericks, kumana ng 30 points si Kristapz Porzingis. Nag-ambag naman si Luka Doncic ng 29.

Samantala, nakaalpas mula sa huge deficit ang Milwaukee Bucks (55-14) kontra Miami Heat. Sa bandang huli, nasuwag pa ng Bucks ang Heat (43-26), 130-116.

Dahil sa panalo, nakaresbak ang Bucks sa 2 beses na pag-ihaw sa kanila ng Heat. Nagtala ng tig-33 points sina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton sa Bucks.

Humablot din ng 12 boards ang binasagang ‘The Greek Freak’. Gumawa naman para sa Heat ng 21 points si Duncan Robinson.

Samantala, narito naman ang iba pang resulta ng ibang laro sa NBA ngayong araw:

Phoenix 114, Indiana 99

Portland 125, Denver 115

Sacramento 140, N. Orleans 125