Sa ilalim ng layuning makamit ang isang “Bagong Pilipinas,” opisyal nang nanumpa ang mga bagong itinalagang miyembro at opisyal ng Climate Change Task Force – Science and Technology for Environmental Progress (CCTF-STEP).
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinalakas na kampanya ng pamahalaan na gamitin ang makabagong agham at teknolohiya sa pagprotekta sa kalikasan.
Ang CCTF ay gumagana sa ilalim ng superbisyon ng Climate Change Commission (CCC).
Layunin ng komisyon na patatagin ang kahandaan at katatagan ng bansa laban sa bagsik ng climate change, habang isinusulong ang mga “smart and innovative solutions” sa mga hamong pangkalikasan sa Pilipinas.
Pinangunahan ni Commissioner Albert P. Dela Cruz ng Climate Change Commission, na nagsisilbi ring Director General ng task force, ang panunumpa ng mga bagong lingkod-bayan.
Itinalaga naman bilang National Commander ng STEP ang Scientist at Inventor na si Richard Nixon Gomez, na siyang mamumuno sa pagbuo ng mga science-based na solusyon laban sa nagbabagong klima.
Nagpakita rin ng malakas na suporta ang mga pribadong sektor tulad ng BauerTek Pharmaceutical Technologies, Kaibigan sa Kalusugan, at The GlobaLeader Inc. sa naturang inisyatibo.
Ang BauerTek, sa ilalim ng pamumuno ni Gomez, ay aktibo sa mga tree-planting program na nakakatulong sa pagbabawas ng carbon sa hangin sa pamamagitan ng carbon sequestration.
Ang seremonyang ito ay nagsisilbing paalala at inspirasyon sa bawat Pilipino na gampanan ang tungkulin para sa kalikasan nang may integridad at dedikasyon.
Inaasahan na sa pamamagitan ng alyansang ito ng gobyerno, mga siyentipiko, at pribadong sektor, mas mapapabilis ang pagbuo ng mga konkretong hakbang para sa mas luntian at ligtas
