October 18, 2024

CIGNAL HD SPIKERS, PINASINGAW ANG PETRO GAZZ SA GAME 1 NG PVL OPEN CONFERENCE SEMIFINALS

Kinamig ng Cignal HD Spikers ang Game 1 ng 2022 PVL Open Conference semifinals best-of-three showdown. Pinasingaw ng HD Spikers ang Petro Gazz Angels sa 3-sets, 25-21, 25-23, 25-23 (75-67).Hinirang naman na ‘ Player of the Game’ si Rhea ‘Riri’ Meneses. Bumira si Meneses ng 14 points, 11 attacks at 3 blocks.


Nag-ambag naman si Frances Molina ng 10 points, 9 attacks at 1 ace. Kumana naman si Rachel Anne Daquis ng 10 points, 8 attacks, 1 block at 1 ace.


Naging maganda ang laban at kapwa dikitan lang. Bawian ng lamang. Pero, nakakaungos ang Cignal at nakakahabol kapag nilamangan.


Pagkakataon na sana ng Petro Gazz na makuha ang 3rd set. Lumamang sila ng 23-21. Ngunit, rumatsada ang Cignal ng 4-0 mark. Kaya nasilat pa sila.


Sa kabuuan, kapwa may 44 attacks ang bawat team. Gumawa ng total 9 blocks ang HD Spikers kumpara sa 5 ng Angels. Naglista naman ang PetroGazz ng total na 55 digs kumpara sa 41 ng Cignal. Mayroon namang total opponent errors ang HD Spikers na 16 kumpara sa 13 ng Angels.

Muling maghaharap ang dalawa sa Game 3 sa Lunes sa ganap na alas 6:00 ng gabi sa The Arena sa San Juan.