February 24, 2024

CARIASO, COACH PA RIN SA CONVERGE, PAMPANGA GOV. DELTA PINEDA, KINUHANG CONSULTANT

Mananatili bilang head coach si Jeffrey Cariaso ng bagong saltang Converge team. Ito ang tiniyak ni team Governor Chito Salud sa SPIN POV episode.


Minanduhan ni Cariaso ang Alaska noong 2019. Hinawakan niya ito hanggang Season 46 ng Governor’s Cup.


Samantala, hinablot naman ng Converge si Pampanga Governor Delta Pineda bilang team consultant. Mismong si team owner Dennis Uy ang kumuha sa kanya.


Masaya naman si Gov. Pineda na nasa PBA na ang kompany ni Uy. Target din nito na maisalang pa ang maraming Kapampangan sa liga.

Masaya tayo kasi ang owner nito ay Kapampangan. Our Kapampangan basketball players have more chances to play in the higher league,” ani Pineda.


Si Pineda ang nakatuklas kina Pampanga players gaya nina Arwind Santos, Calvin Abueva. Gayundin sina Ian Sangalang, Justine Baltazar at iba pa.