May 1, 2024

CHRIS PAUL AT PHOENIX, SINUNOG ANG BUCKS, NETS, PINUNIT NG WIZARDS

Bumira si Chris Paul ng 17 points at 19 assists sa finals rematch game. Sinunog ng Phoenix Suns ang Milwaukee Bucks, 131-107. Nag-ambaqg naman si DeAndre Ayton ng 27 points at 7 boards.


Bumanat naman si M. Bridges ng 18 points. Si Devin Booker naman ay nagpalawal ng 17 points. Nanguna naman sa opensa ng Bucks si Jrue Holiday na naglista ng 21 points. Habang si Giannis Antetokounmpo naman ay kumana ng 18 points.


Samantala, naitala naman ni Kyle Kuzma ang kanyang first career triple-double. Isa si Kuzma sa gumiya sa pagpunit ng Washington Wizards sa Brooklyn Nets.


Kumana si Kuzma ng 15 points at 13 rebounds. Bumandera naman para sa opensa ng Nets si Kyrie Irving. Naglista ito ng 31 points. Ang pagkatalo ng Nets ay rumekta na sa 10 sunod na pagkabigo.