May 10, 2024

CHRIS JERICHO, KINUMPIRMANG BABALIK SA WWE SI CODY RHODES

Babalik sa WWE ang kaibigan ni Chris Jericho na si Cody Rhodes. Ayon sa dating WWE legend at ngayo’y All Elite Wrestling (AEW) star, sasalang si Rhodes sa Wrestlemania 38.


Si Rhodes na tinaguriang ‘ All American Dream’ ay founder at EVP ng AEW. Nagulat ang mga fans sa desisyong ito ng anak ni WWE legend Dusty Rhodes.


Nagkaroon ng problema sa pagbabalik nito sa AEW. Nais ni Rhodes na maging top earners gaya nina Bryan Danielson at CM Punk.


Gayunman, hindi ito pinagbigyan ng owner na si Tony Khan. Kung kaya, nagkasundo sila ni Rhodes na maghiwalay na lang. Ayon pa kay Jericho, naikipagkasundo aniya ang 36-anyos na kaibigan sa WWE. Sa gayun ay makabalik ito sa eksena.


Umalis si Rhodes sa WWE noong 2016. Sa kadahilanang dismayado ito sa character development. Hindi nito nagustuhan ang ipinapagawa sa kanya ng creative team. Umugong tuloy ang sitsit na haharapin nito si Seth Rollin sa kanyang pagbabalik sa WWE.