April 28, 2024

CHARLOTTE HORNETS, NILASON ANG BUCKS, JAZZ, PATID SA PACERS

Pinamaga ng Charlotte Hornets ang Milwaukee Bucks, 114-106 sa kabila ng 43-pts performance ni Giannis Antetokounmpo. Bumida si Terry Rozier sa panalo ng Hornets.

Pinamaga ng Charlotte Hornets ang Milwaukee Bucks, 114-106 sa kabila ng 43-pts performance ni Giannis Antetokounmpo. Bumida si Terry Rozier sa panalo ng Hornets. Naglista ito ng 28 points, 4 assists at 4 rebounds.Habang si Lonzo Ball naman ay nag-ambag ng 19 points, 8 boards at 8 assists.


Sa panig naan ng Bucks, gumawa si Khris Middleton ng 27 points at 10 rebounds. Samantalang 19 points naman ang ibinigay ni Bobby Portis Jr.


Sinira naman ng Indiana Pacers ang ritmo ng Utah Jazz, 125-113. Bumida si Domantas Sabonis sa pagbuslo ng 42 points, 6 reb at 3 ast. Habang bumira ang nagbabalik NBA na si Lance Stephenson ng 16 points. Nasayang naman ang ginawang 36 points ni Donovan Mitchell. Gayundin ng 18 points ni Jordan Clarkson.