April 28, 2024

CELTICS, PINAPAK ANG NUGGETS, THUNDER, KINUTOS NG 76ERS

Itinala ng Boston Celtics ang 7th straight win sa pagpapak sa Denver Nuggets, 108-102. Nagtuwang sina Jayson Tatum at Marcus Smart sa pagkana ng 46 points combination.


Bumuslo si Tatum ng 24 points at 6 boards. Samantalang gumawa si Smart ng 22 points at 7 assists.
Nanguna naman sa opensa ng Nuggets si Nikola Jokic na may 23 points at 16 boards. Habang 17 points at 6 boards naman ang inambag ni Aaron Gordon.

Bumida naman si Joel Embiid sa pagkutos ng Philadelphia 76ers sa Oklahoma City Thunder, 100-87. Lumagare si Embiid ng 25 points, 19 boards at 5 blocks. Tumulong naman si Tobias Harris na nagtala ng 17 points at 11 boards.