January 14, 2025

CDC NAKIPAG-PARTNER SA GENSAN PARA I-PROMOTE ANG LOKAL NA PRODUKTO

COLLABORATION.  Nilagdaan kamakailan lang ni Clark Development Corporation (CDC) President and CEO Manuel R. Gaerlan (ikatlo sa kaliwa) ang Memorandum of Understanding (MoU) kasama si General Santos City Mayor Ronnel Rivera (pang-apat sa kanan) upang palakasin ang kanilang partnership para i-promote ang trade, investment at tourism sa Clark at Gensan. Nasa larawan din sina GenSan City Economic Management and Cooperative Development Office (CEMCDO) head Leonard Flores (kaliwa), South Cotabato first district Rep. Shirlyn Bañas-Nograles (pangalawa sa kanan), at  USAID-Surge project coordinator Gemma Borreros (kanan). (Contributed Photo)

GENERAL SANTOS CITY – Muling pinagtibay ng Clark Development Corporation (CDC) at City Government ng General Santos (GenSan) ang kanilang pangako na palakasin ang promosyon ng mga local goods at produkto na gawa sa Clark at Gensan.

Ito’y matapos lagdaan nina CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan at Gensan Mayor Ronnel Rivera ang isang Memorandum of Understanding (MoU). Hangad ng partnership na maghatid ng higit pang collaboration sa turismo, pamumuhunan at kalakalan.

Sa kanyang talumpati, nagpahayag si Gaerlan ng positibong pananaw para sa hinaharap na pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Gensan sa sandaling bumiti na ang sitwasyon ng pandemya.

“This pandemic caused us a lot of displacement, a lot of stress, but I hope we maintain our partnership in the future so that we will connect not only through the internet but by connecting flights,” dagdag ni Gaerlan.

Sinabi naman ni Rivera na kanilang patuloy na pagtitibayin ang kanilang alyansa sa CDC upang makapagbukas ng maraming pang opurtinidad sa kani-kanilang lugar.

“We never stop looking beyond our resources. We extend our efforts to introduce new developments and further enhance what we are already capable of doing,” saad niya. 

Lumagda din ang City Government ng Gensan ng isang MoU kasama ang Subic Bay Metropolitan Authority. Pinasok din ng Gensan ang isang sisterhood agreement sa mga siyudad ng Mabalacat, Angeles at San Fernando, Pampanga.

Samantala, nagpahayag ng kanilang suporta ang Clark Alliance for Development (SCAD) at United States Agency for International Development (USAID) para sa nasabing partnership.