November 3, 2024

Cavaliers, sinibat ang Pistons, Orlando Magic, binalibag ang mahika ng Wizards

Bumida si Collin Sexton sa panalo ng Cleveland Cavaliers kontra Detroit Pistons, 128-119 sa second overtime.

Nagtala si Sexton ng 32 points sa NBA thriller game. Nagdagdag naman si Andre Drummond ng 23 points at 22 naman ang kay Cedi Osman.

Nag-ambag naman si Darius Garland ng 21 points. Naghabol ng siyam na puntos ang Cavaliers sa 2:15 minute marked sa first overtime.

Samantala, nagtala ng 28 points si Jerami Grant sa Pistons. Nagdagdag naman si Blake Griffin ng 26 points.

Thirteen points naman ang naitala ni Derrick Rose. Naging malaking rason ang 24 turnover ng Pistons sa pagkatalo sa Cavaliers.

Samantala, naibuslo ni Shail Gilgeous-Alexander ang game-winning jump shot, may 1.4 second na lang ang nalalabi.

Naging daan ito upang masilat ng Oklahoma City Thunder ang Charlotte Hornets, 109-107.

Hindi naman umubra ang triple-double na ginawa ni Russell Westbrook. Gayundin ang 39 points na ginawa ni Bradley Beal.

Binalibag lang ng Orlando Magic ang mahina ng Washington Wizards, 130-120.  Nagtala si Westbrook ng 15 points, 15 boards at 12 assists.

Kaya naman, sumalo si Westbrook sa elite club bilang ikaapat na player sa NBA history. Kung saan, nakapagtala ng triple-double sa first two games sa season.

Ang iba pa ay sina Magic Johnson, Jerry Lucas at Oscar Robertson.