
Naglabas ng video si John Riel Casimero na matutuloy na raw ang laban nila ni Naoya “The Monster” Inoue. Magaganap daw ito sa December 11. Sinabi ni Casimero sa latest YouTube video niya na kasado na ang laban nila ng Japanese boxer.
“So ayon guys, next laban natin, magandang laban to, next laban December 11, Naoya Inoue. Ayon! Naoya Inoue, let’s go!” saad n Casimero.
Kapwa kampeon ang dalawa sa bantamweight division. Si Casimero na tinaguriang “Quadro Alas” ay WBO bantamweight champion.
Habang si Inoue ay WBA at IBF bantamweight champion. Ito rin ang current number 2 sa Pound for Pound rankings.
Gayunman, wala pang pormal na pahayag ang kampo ni Inoue tungkol sa laban. Hawak ng Top Rank si Inoue habang nasa MP Promotions naman si Casimero.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT