May 16, 2024

CamSur Rep. Marissa Andaya pumanaw sa cancer

PUMANAW na kahapon si Camarines Sur Rep. Marissa Mercado Andaya dahil sa sakit na cancer. Kinumpirma ng kanyang kabiyak na si dating Cong. Rolando Andaya Jr.

https://www.facebook.com/RolandoNonoyAndayaJr/posts/1031670963914187

Ayon kay Cong. Andaya, may pitong taon ding nakipaglaban ang kanyang asawa sa sakit nito at patuloy na ginampanan ang kanyang tungkulin mga botante sa Camarines Sur bilag public servant.

Napagalamang bumalik ang sakit ni Congresswoman Andaya noong unang linggo ng Hunyo ng taong it. Sa kasagsagan ng kanyang pagtulong sa kanyang mga nasasakupan sa gitna ng Covid 19 patuloy itong nag-ikot sa kanyang mga kababayan upang tumulong sa mga may sakit at magbigay ng ayuda, sa kabila ng mahinang resistensiya at immune system na panlaban sa virus.

Samantala, humihingi ng pang unawa si dating Cong. Andaya na bigyan muna sila ng panahon na magkasama-sama ng kanilang pamilya. At sa mga susunod na araw ay kanilang i-aanunsiyo ang iba pang detalye sa libing ng kongresista