May 10, 2024

CALVIN OFTANA NG NLEX, BINURA ANG RECORD NI CAIDIC SA TRES

Binura ni Calvin Oftana ang 34-year record na naitala ni PBA-legend Allan Caidic. Nakabuslo siya ng career-high 34 points sa NLEX Road Warriors kontra Meralco Bolts, 101-104.


Sa kanyang breakout performance, nakagawa si Oftana ng 8 three-pointers sa 21-of-18 from the field. Nagawa niya ito sa loob ng 29 minutes na paglalaro. Dahil dito, nalampasan niya ang record ng most threes na ginawa ng isang rookie sa isang single game.

Ang previous record ay naitala ni Caidic, na nakabuslo ng 7 triples para sa Great Taste. Nangyari ito mong June 16, 1987 sa Game 2 ng Open Conference Finals laban sa Tanduay. Natalo ang Great Taste sa iskor na 135-134.


Si Oftana ay former NCAA MVP na naglaro noon sa San Beda University. Naglaro rin siya sa Gilas Pilipinas version 9.0.