November 18, 2024

Calvin Oftana binuhat TNT kontra sa Meralco

NAGAWANG matakasan ng TNT ang bangis ng Meralco matapos ang 92-90 panalo sa PBA Philippine Cup.

Timing na timing ang mga tira ng Tropang Giga at nagawang umabante sa huli ng laro sa Ninoy Aquino Stadium upang maibalik ang win column at makabawi sa mapait na pagkatalo sa North Porth dalawang gabi lang ang nakalilipas.

“The last game was really very bad preparation on my end. I said that was mine: the matchups were all wrong and the opponent took advantage,” saad ni head coach Chot Reyes.

“Yesterday we didn’t practice we just walked through stuff for some 30 minutes. We said our problems were not technical, our problems were the intangibles. We left it at that, and today I asked the players how much they wanted (to win). And the players responded,” dagdag niya.

Sinikap ni Calvin Oftana na manalo, kung saan nakapagtala siya ng 26 puntos at siyam na rebound.

Nakapagtala rin ng tig-11 puntos ang beteranong si Jayson Castro, Kelly William at Roger Pogoy kung saan binutata pa ng huli ang layup ni Aaron Black para iselyo ang 3-3 win-loss record ng TNT.

Natapos din ni Black at Cliff Hodge ang laro na may tig-16 puntos, si Allein Maliksi na may 11 habang si Chris Banchero ay may 10 para sa Blots, na dumausdos sa 3-4 win-loss. RON TOLENTINO