In-trade ng Phoenix Super LPG si Calvin Abueva sa Magnolia na ikinagulat ng basketball fans ng PBA. Sa isang deal na inaprubahan ng liga, inirekta ng Fuel Masters si Abueva at ang 10th pick sa PBA Draft sa Hotshots.
Kapalit naman nito sina Chris Banchero at ang sixth at 18th overall selections sa March 14 draft.
Ginawa ng Phoenix ang isang matinding hakbang sa kabila na binigyan nila si Abueva ng three-year contract.
Dahil sa trade, muli namang makakasama ni Banchero si former Alaska assistant Topex Robinson.
Sa nangyaring trade, maglalaro si Abueva sa ikatlong team sapol nang ma-drafted sa Alaska noong 2012. Malaking tulong naman ito sa Magnolia para sa kanilang under-defense-oriented system ni coach Chito Victolero.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!