May 20, 2024

BULACAN NAKATANGGAP NG AMBULANSIYA MULA SA PITMASTER

KASAMA na rin ang lalawigan ng Bulacan sa isa sa mga lalawigan na nabahagian ng ambulansiya ng Pitmaster Foundation Inc.



Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster, ang larawan kung saan makikita na hawak nila ang memorandum of agreement na nilagdaan ng Pitmaster kasama si Gov. Dan Fernando sa ginanap na turnover ceremony.

“From 10k food packs to ambulance,  Bulacan is ❤️, Gov Dan Fernando, wt the kind support of Miss World Phils and Miss Supranational,” ayon sa post ni Cruz.



Ani Cruz, “gusto kasi ng aming Chairman na si Charlie “Atong” Ang na makatulong ang aming foundation sa immediate transfer and treatment ng mga tinamaan ng COVID sa mga lalawigan.”

“Pinag-uusapan na rin ng aming board na tulungan ang national government na makabili ng karagdagang mga COVID-19 vaccine para sa mga mahihirap nating mga kababayan,” dagdag pa ni Cruz.