May 2, 2024

BROOKLYN NETS, BINASAG ANG NEW YORK KNICKS

Binura ng Brooklyn Nets ang 28 point-lead ng New York Knicks. Nagawa pa nito na masilat ang kapitbahay na team, 111-106. Bumida sa panalo ng Nets si rookie Cam Thomas na naglista ng 21 points.


Bumira si Thomas ng 16 points sa 4rth quarter na naghatid ng panalo sa Brooklyn. Ito rin ang nangyating scenario noon March 19, 2019. Kung saan, nahabol din ng Nets ang 28-point hole sa Sacramento Kings.

Nag-ambag naman si Seth Curry ng 20 points. Si LaMarcus Aldridge naman ay kumana ng 18 points at 10 boards. Ang panalo ay second straight na ng Brooklyn sa 11 -games skid.

Samantala sa iba pang laro, sinilat ng Denver Nuggets ang Golden State Warriors, 117-116. Sinagasaan naman ng Portland TrailBlazers ang Memphis Grizzlies, 123-119.
Sinuwag naman ng Chicago Bulls ang Sacramento Kings, 123-118. Pinisak naman ng Detroit Pistons ang Boston Celtics, 112-111.