May 16, 2024

BROCK LESNAR, DUGUAN MATAPOS GULPIHIN SA MADISON SQUARE GARDEN

Duguan si WWE star Brock Lesnar matapos gulpuhin sa Madison Square Garden sa New York. Nangyari ang insidente matapos nyang talunin si Austin Theory sa WWE Supershow MGM 2022.
Matapos ma-pin all ang kalaban, inatake ang WWE Champion ni Roman Reigns. Ang huli ang may hawak ng WWE Universal Champion title belt.


Gayunman, nagawa itong i-German Suplex ng tinaguriang ‘The Beast’. Rumesbak naman ang mga pinsan ni Reigns na sina Jey at Jimmy Uso. Pero, nagawa silang ibalibag ni Lesnar.
Pero, nakadampot ng silya si Reigns at doon na pinagpapalo si Brock. Pati ang steel-alloy na tapakan sa ring ay ipinalo. Kaya, pumutok ang noo ng ‘The Beast’.


Kaugnay sa WWE MGM, marami namang ans ang nadismaya. Ito ay dahil sa hindi nila napanood ng live ang event. Ni wala silang access para mapanood ito. Napanood lang nila ito nang mai-upload na sa Youtube. Sina Lesnar at Reigns at magtutuos sa Wrestlemania 38 sa ‘Winner Take All Match’ title unification.