April 28, 2024

BRANDON INGRAM AT VALANCIUNAS, NAGSANIB PUWERSA UPANG TALUNIN NG PELICANS ANG SUNS

Nagsanib puwersa sina Brandon Ingram at Jonas Valanciunas sa big win ng New Orleans Pelicans. Pinakulimlim ng Pelicans ang Phoenix Suns sa Game 4 ng West Round 1, 118-103. Bumira si Ingram ng 30 points, 5 assists at 4 rebounds.

Si Valanciunas naman ay lumagare ng double-double. Nagtala ito ng 26 points, 15 boards at 4 assists. Nag-ambag naman si CJ McCollum ng 18 points at 9 rebounds.

Sa panig naman ng Suns, naglista si DeAndre Ayton ng 23 points at 8 rebounds. Inalat naman ang production ni Chris Paul na may 4 points at 11 assists.

Nakasasabay pa ang Suns sa unang sangkapat (1/4) sa laro. Ngunit, binuwenas ang opensa ng Pelicans. Gumana rin ang kanilang depensa kaya nahirapang bumuslo ang Phoenix. Tinambakan pa ng New Orleans ang Suns ng 14 points. Lumubo pa ito sa 4th quarter na umabot sa 16 points.

Tabla na sa serye ang dalawang teams na may 2-2 record.