November 5, 2024

BRANCH NG JOLIBEE SARADO NG 3 ARAW DAHIL SA ‘FRIED TUWALYA’


Inanunsiyo ng Jollibee na kanilang isinara ang isa sa mga branch nito sa BGC, Taguig City na ireklamo ng isang ina dahil sa tila basahang bimpo na may breeding o ‘fried tuwalya’ na viral ngayon sa Facebook.

Ayon kay Alique Perez, ginamit niya ang delivery app ng Jollibee para sa Chicken Joy ng kanyang anak at ipinagtaka na niya na hindi mahiwa ang inaakalang manok.

Nang bulatlatin nila ito, nadiskubre na ang sinusubukan nilang kainin ay tuwalya pala.

Sa isang kalatas, sinabi ng pamunuan ng Jollibeena nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

Inatasan narin nito ang Jollibee Bonifacio – Stop Over branch na magsara sa loob ng tatlong araw habang ginagawa ang pag-review kung sinunod ba nito ang food preparation system ng kumpanya.

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Jollibee ang lahat ng branches nito na mariing ipatupad ang high-standards sa paghahanda ng mga pagkain upang hindi na maulit ang kaparehong pangyayari. Tiniyak ng JFC na maingat ang pagsunod nila sa food preparation sytems para makapagpagbigay ng de-kalidad na mga pagkain.