May 17, 2024

BI SUPORTADO PANUKALANG ‘GREEN LANE’ PARA SA BAKUNADONG DAYUHAN (Para buhayin ang turismo sa Pilipinas)

Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala na pagayan na ang mga nabakunahang banyaga na makapasok sa bansa bilang pagsisikap na buhayin ang turismo sa bansa.



Sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente tutulong sila sa pages-set up ng “green lane” para sa mga bakunadong dayuhan sa iba’t ibang daungan upang bigyang-daan ang muling pagbubukas ng tourist destination alinsunod sa pasya ng

Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) deem it viable.

“If approved by the IATF, we in the Bureau support this initiative by the Department of Tourism (DOT) as it will not only resuscitate our tourism industry.  It will also generate employment for millions of Filipinos who lost their jobs due to the pandemic,” ayon kay Morente.

Pinagkakatiwalan aniya niya ang karunungan ng IATF sa pagdedesisyon kung kailan na bukasan ang hangganan sa bansa. BOY LLAMAS