
Pumanaw si Nigerian boxer Miracle Amaeze matapos mauwi sa trahedya ang idinaos na sparring session. Siya’y rising star sa kanilang hometown na lumalaban sa light heavyweight division. Ayon sa report ng otoridad, nawalan ng malay ang 18-anyos na boxer.
Sumalang sa training ang Nigerian pug sa Festac, Lagos City at nawalan ng ulirat matapos magtamo ng 2 knockouts. Binigyan siya ng first aid at agad na dinala sa ospital. Subalit, hindi pa rin siya nagkamalay at namatay kinagabihan.
Mayroong 2-0 boxing record ang boxer na itinuturing na star sa Nigeria ngayon. Lahat ng nakalaban niya ay tinalo niya via first-round knockouts.
More Stories
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND
SANDRA BAUTISTA NG PILIPINAS KAMPEON SA BURBANK TENNIS TILT SA L.A CALIFORNIA