October 6, 2024

Si Pangulong Bongbong Marcos Jr. at ang kanyang unang SONA

Nairaos na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kanyang kauna-unahang SONA. Narinig natin ang kanyang mga tinalumpati sa loob ng 1 oras at 19 na minuto. Gayunman, may sustansiya at may laman ang kanyang mga sinabi. Kumbaga sa isang bungangkahoy, hitik ito sa bunga.

Nasubaybayan ito ng mahigit sa 100 milyong Pilipino. Kung kaya, nalaman ng madla ang kanyang panukala sa loob ng 6 na taon. Nakatawag pansin sa atin ang ilan sa kanyang bisyon at misyon. Kabilang na rito ang pagpapalakas ng ekonomiya, edukasyon at transportasyon. Ipagpapatuloy din niya ang proyektong imprastraktura na nasimulan ni dating Pangulong Duterte.

Paiigtingin din ang pagtatayo ng ilang paliparan upang maging barometro sa pag-unlad. Paglalagay ng mga pagamutan lalo na sa rural areas. Sa gayun ay madali ang access ng pagpapagamot ng mga maysakit. Ito ay ang mga specialty hospitals kagaya ng heart center, kidley institute at iba pa.

Pinabubuwag din ng Pangulo ang pag-aalis ng utang at tax sa land reform beneficiaries. Na malaking tulong upang mapasa-kanila ang minimithing lupain. Paghahanda bago pa ang sakuna na ang susuhay ang DSWD at DILG.

Pinag-iisipan din ni PBBM ang pagsasakatuparan ng pagtatayo ng nuclear power plant. Na layung mapamura ang elektrisidad mula sa renerwable energy.Isama pa ang pagkasa ng face-to-face class, pag-aalalay sa mga OFW at paglinang ng teknolohiya. Isinaalang-alang din niya ang posisyon ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine SEA. Aniya, wala siyang isusuko sa mga ito.

Mula rito, umasa tayo at magtiwala na matutupad ang lahat ng ito. Sa tulong at pakikipagkaisa ng bawat isa sa atin. Tungo sa masaya, mapayapa at maunlad na Pilipinas!