April 28, 2024

BOSTON CELTICS, SUNS, HEAT, GSW AT BUCKS, SWAK SA NBA FINALS

Bet ng mga basketball analyst ang Boston Celtics at Phoenix Suns na makatuntong sa NBA Finals. Gayundin ang Milwaukee Bucks, Miami Heat at Golden State Warriors.

Batay sportscast ng ilang analyst, ang mga nasabing teams ang nakuha ng mataas na boto. Nakakuha ang Heat ng +550 na papalaot sa East Finals. Gayundin sa NBA Finals.

Ang Bucks naman ay nakakuha ng +600 at ang Celtics ay +660. Sa West naman, matunog ang Warriors sa pagtatala ng +500.

Habang ang Suns at +550 at ang Memphis naman ay +700. Apat sa 10 analyst ng basketball ang nagpahayag na Heat at Phoenix ang magtatapat sa finals. Gayundin sa Boston at Phoenix match-up.

Dalawa naman sa Heat laban sa Golden State. Isa sa Boston kontra Warriors, 1 naman sa Suns versus Bucks. Tabla naman sa Bucks versus GSW at Boston versus Warriors. Batay naman sa prediction ni Vicnent Frank ng SportsNaut, magtatapat aniya ang Boston at Phoenix sa NBA Finals.