May 5, 2024

Boston Celtics nakabawi sa Game 3 sa paggarote sa Miami Heat

MIAMI (AFP)—Nakabawi mula sa 0-2 deficit sa Eastern Conference finals ang Boston Celtics. Dinaig ng Celtics ang Heat, 117-106.

Nanguna sa panalo Celtics si Jaylen Brown sa pagtala ng 26 points. Nagdagdag naman si Jayson Tatum ng 25 points at 14 boards.

Dikit ang laban sa 2 quarters. Pero, rumatsada ang Celtics sa paglista ng 20 points sa third quarter.Hindi na hinayaan pa ng Boston na mahabol pa sila, di gaya nooong Game 2. Na nahabol ang kanilang 17 point lead.

Malaki rin ang naitulong ni Marcus sa pagbuslo ng 10-for-10 free throws. Nakatulong din ang pagbabalik ni Gordon Hayward na naglaro ng 30 minutes.Gumawa si Hayward ng 6 points, 5 boards at 4 assists,

Down 0-2 in the series, we played some games we thought we should have played better,” ani Brown.

“We wanted to make it an emphasis to come out tonight and play 48 minutes, and we did.”

Sa Miami naman, nagtala si Bam Adebayo ng 27 points, 16 boards at 3 steals. Nag-ambag naman si Tyler Herro ng points.

Umasiste naman si Jimmy Butler ng 17 points. Sinubukang habulin ng Heat ang Celtics sa nalalabing minute, 104-109. Ngunit, pinigilan ito ng Celtics.

Muling magtutuos ang dalawa sa Miyerkules (ET), araw ng Huwebes sa Pilipinas.