May 11, 2024

Boston Celtics, hinataw ang LA Clippers, Brooklyn, niluray ng Raptors

Hinataw ng Boston Celtics ang Los Angeles Clippers, 119-115. Gumawa si Jayson Tatum ng 34 points at 7 rebounds para sa Boston. Nanguna naman sa Clippers si Kawhi Leonard ng 28 points at 11 boards.

Niluray naman ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 123-117. Bumida si Paskal Siakam sa Raptors sa pagbuslo ng 33 points at 11 boards.

Lumagare naman sa Nets si Joe Harris sa pagbira ng 19 points. Nag-ambag naman si James Harden ng  12 assists at 7 boards.

Kinaldag naman ng New Orleans Pelicans ang Indiana Pacers, 114-113. Nanguna si Brandon Ingram sa Pelicans sa pagbuslo ng 30 points at 7 assists.

Narito ang buong resulta ng laro sa NBA games, February 6, 2021

Bulls – 119 Magic – 123

Bucks – 123 Cavaliers – 105

Jazz – 138 Hornets – 121

Wizards – 95 Heat – 122

Pistons – 92 Suns – 109