BINIGYAN nang prioridad ni Sen. Bong Revilla ang reunion movie project nila ni Ms. Sharon Cuneta, pero nasagasaan naman ang mga movies na pagsasamahan nina Bong Revilla at Jillian Ward, ito iyong remake ng ‘Isusumbong Kita sa Tatay Ko.’ Pati na rin ang muling pagsasama nila ni Sen. Robin Padilla, maisantabi na muna ito.
“Mas binigyan ni Sen. Bong ang reunion movie nila ni Megastar Sharon Cuneta, dahil in demand daw kasi si Ms. Sharon. Laking tulong din iyon sa promo ng movie nilang gagawin. Dahil malakas din sa hatak ng mga tao, kapag ang isang srtista ay viral sa social media.
“Pero nasa waiting list naman ang movie na gagawin ni Bong, na kasama niya sina Robin Padilla at Jillian Ward. Dahil kampante naman si Bong, na available naman ang oras nina Robin at Jillian sa oras na sisimulan na nila ang kanilang pelikula,” saad pa ng aking source.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA