May 16, 2024

Sa GMA 7 na ang byuti… CLAUDINE BARRETTO,  NAGBABU NA SA DATING TV NETWORK

LALONG gumanda ang byuti ngayon ni Ms. Claudine Barretto, parang hindi siya dumaan sa mabibigat na mga pagsubok sa kanyang buhay. Muling magbabalik teleserye si Claudine, para sa ‘Lovers/Liars’ na malapit na nating mapanood sa GMA 7.

“Nerbiyos daw ang kanyang naramdaman sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng TV serye sa ilalim ng GMA 7, dahil matagal din siyang nabakante. 2011 pa ang huli raw niyang serye na ginawa, kaya kinakabahan siya ngayon.

“Ngayong bumalik na ang kanyang kaseksihan, hudyat na ito nang panibagong pakikibaka sa kanyang showbiz career. Pokus na raw muna siya ngayon sa bagong pag-asa na ipinagkaloob sa kanya ng nasabing TV network,” pagtatapos pa ng aking source.