May 3, 2024

BLOOD LETTING ACTIVITY SA SPD, MATAGUMPAY

TAGUIG CITY – Naging matagumpay ang isinagawang blood letting sa Southern Police District sa Port Bonifacio sa naturang lungsod. 

Ang blood letting na ito ay Inisyatibo ng iba’t ibang grupo  ng NCRPO Press Association, Chinese General Hospital, Ed Bank Foundation at Rotary Club of Raja Sulayman na pinangunahan ni SPD Director Police BGen Jimili Macaraeg na may temang “Alay Kong Dugo Mula sa Puso.”



Umabot naman sa higit 200 pulis personnel ang bulontaryong nais na magbigay ng dugo sa nasabing proyekto mula sa iba’t ibang police station sa ilalim ng Southern Police District.

Nabatid nasa 75 donor lamang ang nakapasa nakapagbigay ng dugo dahil ang iba ay hindi pumasa dahil katatapos lamang ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.