May 18, 2024

BINAGO NG ABS-CBN ANG BUHAY NI POKWANG

Aminado si Pokwang na malaki ang nagawang tulong sa kanya ng ABS-CBN. Ito din ang nagpasikat sa kanya at nagbigay ng maraming blessings sa kanyang buhay. Nasaktan si Pokwang at umiyak nang malaman niyang maipapatigil na ang nasabing TV network na bumuhay sa kanilang pamilya.

Tumapat pa sa pandemic ang mabigat na problemang dinaranas ng network, kaya medyo nawalan din daw ng pag-asa si Pokwang kung after ng shutdown ay magkakaroon pa sila ng trabaho o wala na. Nang malaman pa niya na pangmatagalan nang isasara ang ABS, agad silang nag-alala sa kahihinatnan ng kanilang career.

Mabuti na lamang ay sinambot siya ng Kapatid TV5 at binigyan siya nito ng trabaho. Kaya nang binitiwan siya ng Channel 2, may trabaho naman agad siyang natanggap. Masakit man na lisanin niya ang kanyang mother TV station, wala siyang magawa kung hindi ang ipaglaban ito. Pero balewala lang ‘yon dahil naipasara na rin ang nasabing network.