BUMABA ng 95 porsiyento ang bilang ng international passengers na pumapasok at lumalabas ng bansa mula nang magsimula ang community quarantine nitong Marso kumpara sa kaparehas na period noong nakaraang taon, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mahigit sa 96 porsyento ang ibinaba ng international arrivals at 95 porsyento sa departure mula Marso 16 hanggang hunyo 30 dahil sa suspensyon ng mga flight at travel restrictions sanhi ng pandemya.
Tanging 189,000 pasahero lamang ang dumating sa bansa at 238,000 ang umalis sa panahong ito, kumpara sa 5016 milyong departure sa parehong panahon noong 2019.
“We do not foresee these statistics to rise in the near future while the entire world is still fighting to defeat this coronavirus,” ayon kay Morente.
Ayon kay deputy spokesperson Melvin Mabulac, maraming pasahero ang pumasok at lumabas sa bansa sa pmamagitan ng Ninoy Aquino International Airport dahil sarado ang ibang international gateways habang may lockdown.
Aniya, pinayagan lamang na magbalik-operasyon ang international flights sa Clark at Mactan airports noong Hunyo.
Ayon pa kay Mabulac, kabilang sa mga dumating ang mahigit 16,000 seafarers na bumaba sa barko makaraang i-quarantine sa mga barko sa Manila Bay.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?