NAKAKALAT ngayon ang mga tauhan ng Manila Police District Command para tiyakin ang seguridad sa National Bureau of Investigation headquarters sa kahabaan ng Taft Avenue sa Maynila ngayong araw para sa pagdating ng 9 na pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa nangyaring shooting incident noong Hulyo 9, 2020 sa Sulu.
SINUGURO ng National Bureau of Investigation (NBI) na kumikilos na sila ng mabilis para maibigay ang hustisya sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu matapos pagbabarilin ng siyam na pulis.
Ito ang pagtitiyak ni NBI Deputy Dir. Antonio Pagatpat kasabay ng unang araw ng imbestigasyon ng Jolo encounter na ikinamatay ng mga army itelligence officer.
Sa imbestigasyon, humarap sa NBI ang siyam na pulis na sangkot sa pamamaril sa mga sundalo.
Ayon kay Pagatpat, nag-isyu sila ng subpoena sa siyam na pulis upang pagpaliwanagin ang mga ito at idetalye ang mga nangyari sa pamamaril.
Sa naturang engkuwentro, namatay sina Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Jaime Velasco at Corporal Abdal Asula na pawang mula sa 9th Intelligence Service Unit ng 11th Infantry Division.
Una rito, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na naisumite na ng NBI ang report na naglalaman ng accounts ng 10 testigo, forensic findings ng medico legal at ballistic experts.
Kasama rin sa isinumite ang affidavits ng pamilya ng mga namatay na army itelligence officer.
Malinaw daw sa ballistic report na ang shells at slugs na natagpuan sa pinangyarihan ng insidente ay nag-match sa baril ng mga police officers na sangkot sa insidente.
Ang mga bullet wounds daw ay karamihang nasa likod ng mga biktima.
Lumalabas din sa inisyal na report na ang isang sundalo raw ang nagtamo ng walong tama ng bala.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela