May 4, 2024

‘BIG CHICKEN’ NI SHAQUILLE O’ NEAL, MAGBUBUKAS SA SAN ANTONIO

Businessminded din si Shaquille O’ Neal bukod sa paglalaro noon ng basketball. Pinasok nito ang restaurant business matapos magretire sa NBA. Katunayan, may ari siya ng ilan sa fast food franchise. Isa na rito ang ‘Big Chicken’ na nag-expand na sa San Antonio.


Bukas ang Big Chicken sa franchise sa ilang estado ng Texas, Kagaya ng Houston at Dallas. Kabilang sa pambato ng resto ni Shaquille ay ang chicken sandwiches.


Ayon kay Josh Halpern, CEO ng resto, inaasahang mago-open ang resto nila sa Alamo City sa 2024. O kaya naman sa kaagahan ng taong 2023. Aniya, bahagi ito ng Big Chicken’s expansion sa Texas. Kung saan, nasa 50 locations sa mga nasabing estado ang idadagdag.


“I know Shaquille has a deep personal connection to the market, and I’m sure he’s excited to get in San Antonio as well,” aniya.
Ang Big Chicken ay itinayo ng NBA Hall of Famer noong 2018.