JOLO, SULU— Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) na maghahain sila ng deportation case laban sa babae na umano’y suicide bomber na si Resky Fantasya Rullie.
Nadakip kahapon ng umaga si Rullie, alyas Cici, isang Indonesian national, sa pamamagitan ng joint law enforcement operation ng Philippine Army’s 11 Infantry Division, Criminal Investigation and Detection Group 9, National Intelligence Coordinating Agency 9 at Bureau of Immigration.
Ang naturang Indonesian ay napaulat na asawa ng Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leader na si Andi Baso, na nasawi sa nangyaring engkwentro sa tropa ng gobyerno sa Sulu.
Si Rullie rin ay ang anak ng Indonesian couple na sangkot sa January 2019 twin suicide bombing sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo.
Ayon kay BI Intelligence Mindanao Task Group (MITG) head Melody Gonzales, si Rullie ay subject ng ilang buwang surveillance at napag-alaman na plano umano nitong magsagawa ng suicide bombing sa Sulu bago tuluyang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad.
Kasama ni Rullie na naaresto ay sina Inda Nhur at Fatima Sandra Jimlani Jama, kapwa asawa ng may mga katungkulan na ASG members.
“A suicide vest, bombs, and other improvised explosive device making components were recovered from the trio,” ani ni Gonzales.
“They have been brought to the police station for documentation and filing of charges. A deportation case has been recommended to be filed against Rullie for terrorism, being an illegal entrant, and for undesirability, apart from the criminal charges that she face,”dagdag pa niya.
Nilinaw ng BI na haharapin ni Rullie ang kasong kriminal na ipinukol laban sa kanya bago tuluyang ipa-deport.
Sinabi pa ni Gonzales, na isa lamang si Rullie sa mga high value target sa isinusulong nilang kampanya laban sa mga dayuhan na sangkot sa terroristic activities sa South.
Samantala, pinuri naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang pagsisikap ng BI Intelligence MITG para sa isa na namang matagumpay na operasyon laban sa dayuhang terorista. “We pledge full support to government units in our joint fight against terrorism,” wika ni Morente.
“We will not stop until we have rid our country of these demons who abuse our hospitality and hurt our people,” dagdag pa niya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA