Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na maayos ang pagproseso ng mga paalis at padating na international flights sa bansa sa gitna ng holiday season.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, kahit nadagdagan nang kaunti ang mga biyahe, maayos na naserbisyuhan ang mga pasahero mula December 24 hanggang 25, 2021.
Nanatili aniya sa 4,000 ang arrival cap ng inbound passengers bunsod ng Omicron variant ng COVID-19.
Dahil dito, hindi na inaasahang ng ahensya na dadami ang bilang ng mga biyahero.
“Nevertheless, our manpower is in full force during the holiday season to ensure speedy processing in case there is a rise in the number of arriving and departing passengers,” pahayag ni Morente.
Ipinaalala naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na hindi pinayagang makaliban sa trabaho ang kanilang mga tauhan sa gitna ng holiday season.
Mayroon din aniyang rapid response team na naka-standby sakaling kailanganin.
Noong 2020, nakapagtala ang BI ng mahigit 152,000 arrivals para sa buong buwan ng Disyembre.
“Earlier this month we have recorded that 85% of arriving passengers are Filipinos, many of which are OFWs and balikbayan coming home for the holidays,” ani Capulong.
Dagdag nito, “Despite the lower number of travelers, we remain on duty to ensure that arrival and departure formalities are performed efficiently for the traveling public.”
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna