
ISINUSULONG ni Navotas Representative Toby Tiangco ang mas malakas na interbensyon ng gobyerno upang matulungan ang mga kabataang Pilipino na makaroon ng magandang trabaho.
Itinaas ni Tiangco ang pagkabahala, kasunod ng natuklasan kamakailan na ang kawalan ng katatagan sa pananalapi at kawalan ng katiyakan sa trabaho ay kabilang sa mga nangungunang nag-aambag sa mga isyu sa kalusugan sa isip ng mga kabataan.
“It’s alarming that employment and job security are major stressors for today’s youth. This highlights the urgent need for the government to intensify support programs that will equip young Filipinos with the skills and opportunities to secure decent, stable jobs,” ani Tiangco.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-align ng kurikulum ng mas mataas na edukasyon ng bansa sa mga pandaigdigang pamantayan at ang umuusbong na mga pangangailangan ng labor market.
“Initial findings from the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) show that our college programs often have more academic units but offer fewer internship hours compared to other countries,” paliwanag ni Tiangco.
“We must find the right balance in our curriculum to ensure students gain not just academic knowledge, but also the practical skills and real-world experience required in the industries they aspire to join,” dagdag niya.
Sa kabila ng mga hamon na ito, nagpahayag si Tiangco ng optimismo sa pangako ng administrasyong Marcos sa pagpapabuti ng kalidad ng trabaho at mga prospect ng trabaho para sa mga Pilipino.
Binigyang-diin niya ang kamakailang nilagdaan na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 12063, o ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act, bilang isang malaking hakbang pasulong sa pagtulay sa pagitan ng edukasyon at industriya.
“This law will help us bridge the gap between education and industry, synchronizing training with market demand. Through EBET, TESDA and other agencies can offer high-quality, industry-relevant training that directly translates to job opportunities,” sabi ng mambabatas.
Binigyang-pansin din niya ang programang Trabaho sa Bagong Pilipinas ng Department of Labor and Employment gayundin ang kamakailang pakikipagtulungan sa JobStreet Philippines, Inc. bilang mga positibong hakbang sa pag-uugnay sa mga Filipino na naghahanap ng trabaho sa mga de-kalidad na oportunidad sa trabaho.
