May 10, 2024

Ben Simmons, brand new car ang regalo sa birthday ng kanyang utol

Habang naka-quarantine si Phildelphia 76ers star Ben Simmons, isang epic birthday gift ang ibinigay niya sa kanyang kapatid.

Sinorpresa ni Simmons ang kanyang utol na si Sean ng pambihirang regalo. Ito ay isang brand new Audi sedan.

Iprinisenta ito ng Sixes point guard sa Instagram Live. Napaluha naman si Sean nang makita ang regalo. Mula roon, nagkwentuhan sila’t nagkamustahan. Gayundin ng tawanan. Kaya, nakita rin na may comic relief sa side ng 24-anyos na Aussie player.

Si Simmons ay  patuloy na naka-isolate dahil sa ipinatutupad na COVID-19 health and safety protocols. Siya at ang teammate na si Joel Embiid ay in-undergo sa contract tacing efforts ng NBA.

Hindi na rin sila nakalaro sa All-Star game dahil dito. Makalalaro lamang sila kapag negatibo ang resulta.