PATAY ang isang babae matapos saksakin ng kanyang live-in partner nang pauwin sa inuman sa Brgy. Buena Gracia, Talacogon, Agusan del Sur.
Ayon sa ulat, sinundo sa inuman ng biktimang si Sweetie Morgadez ang kanyang ka-live in na si Arhames Cerna Layola, barbero, 23, sa Brgy. Buena Gracia, Talacogon, Agusan del Sur.
Sinabihan umano ng biktima ang suspek na huwag nang bumili ng alak at umuwi na ng bahay.
Pero imbes na sumunod, nagpantig ang tainga ni Layola at bigla na lamang sinaksak ang biktima sa tiyan gamit ang kutsilyo.
Isinugod ang biktima sa Talacogon District Hospital pero binawian ng buhay.
Nasukol si Layola matapos ang ikinasang hot pursuit operation at nahaharap ngayong kasong homicide.
Mayroong isang paslit na anak ang magka-live in na ngayon ay nasa pangangalaga ng pamilya ni Morgadez..
More Stories
6 PATAY SA SUNOG SA MAYNILA
MANNY PACQUIAO INIHAHAL BILANG HALL OF FAMER CLASS OF 2025
SPEAKER ROMUALDEZ NA-STROKE, FAKE NEWS!