April 29, 2024

BEAU BELGA, TARGET LAMBATIN NG NLEX AT GINEBRA

Target lambatin si Beau Belga ng NLEX Road Warriors at ng Barangay Ginebra ayon sa source. Bunsod ito ng paghahanap ng NLEX ng big man. Kaya naman, nasa master plan ni coach Yeng Guiao na kunin ang dating player sa Rain or Shine ElastoPainters.


Ayon kay Guiao, puntirya ng Road Warriors na lambatin si Belga o kaya si Vic Manuel. Gayunman, naunahan na sila ng San Miguel Beermen. Kaya, napako ang radar nito sa binansagang ‘ Big Beau at Extra Rice’.


Nung una, ilalatag na dapat yan noon pang early this year. Kaso, ang kapalit, si Raul Soyud. Yun ang gusto ng Elastopainters na kapalit. ‘E yung latag ng NLEX na ka-trade ‘e sina Frank McAloney at Krsi Porter,” ayon sa source.


Pupursigihin nila si Belga,” dagdag pa ng source.


May isa pang sitsit na balak ding kunin ng Ginebra si Belga. Pero, wala pang lumutang na malinaw na detalye para rito.