May 18, 2024

BATANG BABAE MINOLESTIYA NG PINTOR (Habang nanonood ng porn video)

REHAS na bakal ang kinasadalakan ng isang binatang pintor matapos molestiyahin ang isang batang babae habang nanonood ang suspek ng porn video sa loob ng isang computer shop sa Navotas City, kamalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 ang suspek na kinilala bilang si Jefferson Dacayo, 36, ng R. Domingo St., Brgy. Tangos North ng lungsod.

Sa ulat ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police kay P/Col. Dexter Ollaging, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng isang computer shop sa 190 R. Domingo St. Brgy. Tangos North.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kasama ng grade 3 student na biktimang itinago sa pangalang “Rosana”, 8-anyos ang kanyang mga kaibigan sa loob ng naturang computer shop kung saan nandoon rin ang suspek na nanonood ng porn video.

Tinawag ng suspek ang biktima at pinaupo sa tabi niya saka puwersahang hinawakan ang kamay ng bata at pilit na pinahaplos ang kanyang maselang parte ng katawan kung saan nakuhanan ito ng CCTV camera ng computer shop.

Matapos ang malaswang aksyon, agad na tumakas ang suspek habang ipinaalam naman kinabukasan sa nakakatandang kapatid ng biktima ng kanyang kaibigan ang hinggil sa insidente.

Kaagad namang humingi ng tulong ang kapatid ng biktima sa mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.