May 17, 2024

‘BATA’ REYES, SURE NA ANG SARGO SA BRONZE MEDAL

Matikas pa rin si Efren ‘Bata’ Reyes sa larangan ng billiards kahit may edad na. Katunayan, impresibo pa rin ang performance niya sa SEA Games.

Nakasisiguro na rin ang 67-anyos na bilyarista ng bronze medal. Ito’y matapos niyang likidahin si Suriya Suwannasingh ng Thailand sa men’s one-cushion carom.

Umiskor ang binansagang ‘The Magician’ ng 65-58 upang umusad sa semifinals.Kinokonsidera si Reyes bilang isa sa greatest pool player sa mundo. Nagwagi rin siya ng pair of gold medals sa Jakarta noong 1987. Nakakuha naman siya ng bronze medal sa 2019 SEA Games.